![]()

About Us
We are TRUEBROWNSTYLE treats ourselves as a family.In every sense of the world we are fighting for our lives to survive. We live because we want to teach every single thugs on how 2 act like a real Gangster,on how to deal with our enemies and to be one of us.As a leading gang in the Philippines, our goal is to create a Crip environment that improve communications, increase our popularity and create a new world that turns into Blue.Our gang has been successful in developing a new community that will represent WestCoast TBS as a primary gang in the Philippines and in every corner of the world.We are honored to give thanks to those who support us in pursuing this new nation and to those who doesn't believe in us getout of our way or else we'll gonna turn your dreams into big nightmare.
![]()

Metro Briefs
Posted: 5:07 AM (Manila Time) | Dec. 31, 2003
Inquirer News Service
Gangs fight over pretty girl
A 24-YEAR-OLD man was killed and four others were wounded when members of a street gang clashed in Manila early Tuesday morning over a pretty 15-year-old girl. Allan Villafranca, of Quezon City, was shot dead while King Arthur Gonzales, 20; Benson Bernardo, 20; Emil Pingol, 20; and Paul Prades, 21, were wounded. A certain Joeann Jett Tenorio, 19, was arrested while two others, Mark Lester Tenorio and a certain "Alfie," are being hunted by the police. All are members of the True Brown Style fraternity. The victims were shot at by the group of Tenorio at about 2 a.m. at the corner of R. Papa Street and A.C. Herrera in Tondo district. The shooting was reportedly prompted by jealousy after two other gang members fought over a girl. Investigation showed that the girl who was going out with one of the gang members had been the girlfriend of another gang mate. Leila Salaverria
![]()
Gangsta: Musika, karahasan sa mundo ng kabataan
"The CORRESPONDENTS" (TBS)
(July 16,2002)
Marami ang uri ng musikang rap. Mayroong "makabayang rap" kung tawagin na pinasikat ni Francis Magalona, rap na puro kalokohan tulad kay Andrew E. at gangster rap o "gangsta" rap. Halos pareho lang ng huling halimbawa ang dalawang nauna kaya lang, may temang marahas kapag pinakinggang mabuti.Ang musikang ito ang sinundan ng The CORRESPONDENTS kamakailan upang ugatin ang kultura at kasaysayan ng isang grupong kung tawagin ay ang "True Brown Style" o TBS.
Ika-siyam na araw noon ng pagkamatay ng presindente ng TBS. Nahuli ang The CORRESPONDENTS, sa padasal bagamat naabutan ang kantahan ng grupo.Kaiba sa karaniwang ritwal ng kamatayan, masaya ang pagdiriwang para sa gang leader na namatay sa marahas na paraan.Nakilala lang ang lider na si Joseph Chua. Binaril ni Chua ang kanyang sarili sa harap ng ina.Sa panayam kay Lilia, inulilang ina, sinabi nitong posibleng nagsawa sa kakasermon niya ang anak.
Dalawampu't lima lang ang edad ni Chua nang magpatiwakal. Iniwan niya ang dalawang anak at ang ina ng mga bata, dati niyang nobya.Ang Joseph Chua na ulirang anak sa paningin ng kanyang ina, ay higit na kilala sa TBS bilang si "Satan," beterano ng grupo. Isa rin siya sa mga unang miembro ng TBS.Ayon sa ilang kasapi ng TBS, nagpakamatay si Chua alias Satan dahil nabigo siyang ipaghiganti ang kasamahang napatay.
![]()
"GAYA GAYA IMPLUWENSYA"
Nagmula sa San Diego, California ang TBS, grupo ng kabataang Mexicano na mahilig sa pormang hip-hop at musikang rap."Bling-bling" ang tawag sa naglalakihan at nagkakapalan nilang alahas. Gumagamit rin sila ng stocking na isinusuot sa ulo. Paborito nila ang double extra large na kamiseta at pantalon.Naunang nauso ito sa Amerika upang madaling magtago ng baril at anumang armas, upang madaling makatakbo kapag napasok sa gulo.
Sa gangsta rap na kanilang paborito, ang karahasan at di lang laman ng kanilang awit, ito rin ang tema ng kanilang buhay.Buong pagmamalaking sinabi ni alias Dorobo na marami na siyang napatay. Hindi na rin kailangan ang pruweba sa aspetong ito dahil sapat na ang pagiging mainit ng TBS sa mata ng pulisya bilang patunay. Ito dahil malimit masangkot sa mga insidente ng gulo at barilan ang grupo.
Sa kanilang tambayan sa Pasay, ipinakita ng mga miembro ang kanilang mga gamit. Ang payo ng kanilang pinaka-founder, huwag nang magtayo ng grupo kung wala rin lang armas.Aminado naman ang TBS na gumagaya lang sila sa mga hip-hop gang sa Amerika maging sa away.Isa hanggang dalawang linggo ang kanilang pinapalipas bago bumawi sa kalaban. Pero sa puntong ito, hindi na harapan ang laban.
"Katayan" ang tawag nila sa away at "lalapag" naman kung lulusob sa kalaban.Umiiwas na rin silang magdala ng babae sa mga awayan dahil lalo lang silang napapahamak tuwing aawat ang mga ito.Matapos ang isang dekada mula nang itatag, TBS na ang pinakamalaking gang sa Pilipinas.
Para sa mga nais sumali, kailangan munang dumaan ito sa "jump-in," ang kanilang initiation rite. Pipiringan ang mata ng neophyte at sa loob ng 30 segundo, gugulpihin ito ng mga naroong miembro. Kung ilan ang miembrong nakatayo sa paligid ng neophyte, sila rin ang gugulpi sa baguhan.Bawal nga lang manuntok sa mukha.
Minsan, ang initiation ay kinakailangan pang mamaril muna ng kalaban. Sa Pasig chapter, ang bagong pasok sa gang ang pinatatamaan ng punglo.Pagmamalaki pa ni Dorobo, halos lahat ng kalye sa Kalakhang Maynila ay may TBS. Problema nga lang, sa laki ng TBS, sila-sila na rin minsan ang nagbabanggaan.Hindi lang baril ang bisyo ng gang. Nandiyan rin ang marijuana at alak. Bagamat karamihan sa kanila ay nakapag-aral, wala ni isa sa kanila ang may trabaho.
Nakatakip man ang kanilang mukha nang kapanayamin ng The CORRESPONDENTS, hindi sila nahiyang sabihin na mamamatay-tao ang kanilang grupo.Totoong hindi maitatanggi na laganap ang karahasan sa lansangan. Totoo ring may namumuong galit sa mga kabataan na ngayon pa lang, mayroon nang sariling mundo at iginuhit sa dugo at pulbura ang kinabukasan...
![]()